Mar 8, 2013

Para Sa 'Yo

Dati, kapag may nakita akong blogger na lyrics ng kanta ang naka-post sa blog nya, iniisip ko na walang maisulat o tamad magsulat yung blogger. Minsan nga iniisip ko na blogger ba talaga sya. Di ko kasi gawain yun.

Except ngayon.

Minsan pala kasi, kapag wala kang mapaghugutan ng mga gustong sabihin, ang music ang sasagip sa 'yo.

Kaya eto, para sa 'yo.


Mar 1, 2013

Magpapahinga Muna Ako...

Hindi lang pala ako malibog, may pagka-selfish din pala ako.

Napansin nyo naman siguro na medyo matagal-tagal na din simula nung huli akong nagkwento sa inyo dito. Bagama't ako nga'y naging busy din talaga, may isa pang dahilan kung bakit parang di ako makapagsulat. Pero teka, ano bang tawag dun? Heartbroken? Hindi naman.

Ganito kasi yun.

May girlfriend ako. Siryoso ako sa kanya. Mahal ko sya. Pero hindi ito tungkol dun.

Tungkol ito sa isa pang babaeng nakilala ko.