Nov 1, 2012

Paunang Pagbasa

Itong mga isusulat ko kasi dito, yung mga bagay na di pwedeng ikwento sa mga kakilala. Mahirap na kasi. Baka malaman pa ng iba. Minsan kasi, o kadalasan na rin, kapag nagkwento ka ng mga pinakamalalim at pinakamadilim (deepest and darkest?) mong sikreto sa isang kaibigan, kahit gaano pa katatag ang inyong pagkakaibigan, maaaring dumating ang panahon na sisihin mo ang sarili mo kung bakit mo pa iyon naikwento sa kanya. Parang hawak ka na rin nya kasi sa leeg, lalo na kung ang mga sikreto mong iyon ay ikakasira ng iyong mga personal na relasyon.

Kagaya ng mga mababasa mo dito.

Bagama't mga tunay na pangyayari ang mga isusulat ko, babaguhin ko na syempre ang mga pangalan. Hindi rin magkakasunod ang mga pangyayari dito. Kung ano yung maalala at matripan kong ikwentong nangyari sa akin, yun ang mababasa mo. Hindi ito parang isang diary na sisimulan ang kwento ng Lunes, tas Martes etcetera etcetera.

Tama na siguro ang introng ito. Halika, pasukin mo ang mundo ko ng kalibugan.

No comments:

Post a Comment